Parang Pitong Libong Isla
Photo Gallery
05.23.2007
This photo-essay says clearly -- the Philippines is comprised of all sorts of people. Civic leaders to fashion icons to musicians to marine biologists to rock icons to mothers. And everyone else in between the drummers and the dreamers. We find strength in respectful agreement. Unity never meant uniformity and diversity never meant discord. Everybody here agrees on one thing -- a better Philippines is possible.
Lahat ng nasa litrato dito ay mapalad na nakapag-aral. Nakakakain ng tatlong beses isang araw. May pagkakataong magkatrabaho. At lahat dito ay masuwerte na may kakayahan silang mag-pursigi ng kani-kanilang hilig o sining. Ang karamihan sa ating bayan ay hindi ganito. Kaya umaamin kami, na wala na kaming palusot na hindi tumulong sa kapwa-Pilipino.
At dahil nababasa mo itong blog na ito -- ikaw rin. Wala ka na ring lusot.
Mabuhay ang mga Pilipinong tumutulong (at mga tutulong pa) sa Inang Bayan. Dakila kayo.*
-Gang Badoy
Rock Ed Philippines